Bayanihan, Ehemplo ng maunlad na pamayanan tungo sa matatag na paaralan
Patuloy ang paghakbang ng bawat paaralan sa ika-uunlad ng kalinangan at karunungan ng kabataan. Malaki ang bahagi ng pamayanan upang masiguro ang kaligtasan at katiwasayan ng paaralan upang makamit ang layunin ng Kagawaran. Bayanihan ang pangunahing mukha ng Brigada Eskwela na nagmumulat sa lahat na ang pagkakaisa at pagtutulongan na maihanda ang paaralan at masiguro ang kaligtasan ay may malaking bahagi at ambag sa pagkatuto ng mga kabataan. Tunay nga na ang Institusyon ng Edukasyon ang angkla ng karunungan ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral na tunay na nagpapagal at nagsusunog ng kilay sa pagsusumikap na matuto ay tunay na makakasumpong ng kalinangan at malusog at naaayon na pamumuhay sa loob ng paaralan. Sa loob ng paaralan tayo natututo at nahuhubog kung paano maging isang mabuting mamamayan ng lipunan, maging ang pagharap sa bawat pagsubok at pakikipagkapwa-tao upang makamit at mapanatili ang progresibong pamumuhay. Ang Paaralan ay isang institusyon na pangunahing gumagabay sa mga mag-aaral na maging isang responsable at may pakialam na miyembro ng pamayanan. Ito ang lugar kung saan nahuhubog ang kanilang katangian na humuhulma sa pagiging isang mabuting tao na sumasagisag sa isang mabuting tahahan ng karunungan na kanyang pinagmulan at namulatan. Bilang pagtugon sa layuning maisakatuparan ang paglikaha ng isang mabuting mag-aaral na makakapagambag sa lipunan ay taunang isanasagawa ang Brigada Eskwela na alinsunod sa DepEd Memorandum No. 12, s. 2006, National Schools Maintenance Week, ito ay naglalayong maihanda ang mga paaralan isang lingo bago magsimula ang pasukan. Sumasaklaw ito sa Pambansang tema ngayong taon na “Maunlad na Bayan tungo sa maunlad na Paaralan” na inilunsad nuong Mayo 20-25, 2019. Kabahagi sa Tema ng programa ang pagsentro sa kabuuang kaligtasan ng lahat ng mga kasapi at mga nagboluntaryo na tumulong. Pagtutulungan at Bayanihan ang hinihiling ng paaralan para maisakatuparan ang mga layunin at mga nakabalangkas na gawain. Kinakailangan sa programang ito ang lahat ng mangagawa ng paaralan kasama ang mga walang sawang sumusuporta na mga magulang, pamayanan na nasasakupan at ang mga malikhaing mag-aaral. Ang Pamunuan ng Paaralang Elementarya ng Bayan Luma Uno kasama ang mga alumni, mga magulang, mag-aaral, kawani ng Barangay. Lokal na Pamahalaan at ibat-ibang pribadong Organisasyon ay handing tumugon at maglaan ng lakas at oras para sa kapakinabangan ng lahat. Kabilang din sa mga sumuporta at nagbiugay ng ayuda sa programa ang mga tao sa pamayanan na walang anak na nag-aaral sa paaralan. Dahil sa hindi matawarang suporta, pagkakaisa at bayanihan ng lahat ay maituturing na matagumpay ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa Mababang Paaralan ng Bayan Luma Uno, taos puso kaming nagpapasalamat at ibinibilang na malaking utang na loob ito ng paaralan sa lahat ng nakiisa. “Ang Brigada Eskwela ay isang buong lingong paglilinis at pagsasaayos kasama ang pagpapaganda ng paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng taong panuruan. Ito ay nilalahukan ng mga mag-aaral , mga magulang, mga guro, pamunuan ng PTA, pamayanan na nasasakupan, pribadong sector, pribadong organisasyon, mga simbahan at ilang mga pribadong mamamayan.” “Nagiging posible ang lahat ng ito dahil sa walang sawa at pagod na determinasyon ng mga punong guro sa paghahanap ng paraan at innobasyon para madala ang mga bata sa paaralan, mapanatili ang kanilang gilas sa pag-aaral at masiguro na sila ay patuloy na matuto sa buong taon na kanilang pamamalagi sa paaralan.” “Mula sa kultura ng mga Pilipino na likas na matulungin at bukas sa Bayanihan at Pagkakaisa, mapa-publiko man o pribado ay nagkakaisa at nagtutulungan para sa Edukasyon. Sa katangiang ito ay nalikha ang Republic Act 8525, o “Adopt-A-School Act” noong 1998. Sa pamamagitan ng Adopt-A-School Program (ASP) ang mga pribadong sector, kumpanya man o indibidwal ay nabibigyan ng opurtunidad na tumulong at mag-ambag sa pagpapaunlad ng sistema sa mga PamPublikong Paaralan sa bansa.” (Pinagmulan: Brigda Eskwela Manual for School Heads) Ang bansag na Brigada Eskwela ay nangangahulagan ng pagkakaisa at pagtutulongan ang siyang namayani sa Lahat ng mga Guro ng Paaralang Elementarya ng Bayan Luma Uno, kasama ang mga Magulang na kasapi ng 4P’s, kawani ng Barangay mula Bayan Luma 1 hanggang 5, pribadong indibidwal, mga mag-aaral ang mga alumni ng paaralan noong Mayo 20-25, 2018 na sama-samang kumilos para sa paghahanda ng paaralan sa pagbubukas ng pasukan. Sa pamamagitan din ng bayanihan, nalikom ng paaralan ang mga pondo at pangangailangan para sa naturang programa. Sa isang lingo gawain ay nagawa ng mga boluntaryong tumulong ang ilang pagkukumpuni sa mga sirang kagamitan ng paaralan, pagpipintura at paglilinis ng kapaligiran ng buong paaralan. Maliban dito binigyan din ng pansin ng kawani ng barangay ang ilang mahahalgang gawain sa kumunidad gaya ng pagsasaayos ng drainage system para maiwasan ang at ibat-ibang sakit na maaaring makaapekto sap ag-aaral at pagpasok ng mga bata. Ang Tema ng Brigada Eskwela na “Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan” ang siyang nagbigay daan upang isaayios ng kawani ng Barangay Lima, ang barangay na nasasakupan ng paaralan, ang drainage system nito na siya ring pangunahing nilalabasan ng tubig mula sa mga kanal ng paaralan, upang matugunan ang problema sa pagbaha at nagbibigay suliranin sa pagpasok ng mga mag-aaral. Maliban dito maiiwasan din ang paglaganap ng mga sakit na maaaring makaapekto sap ag-aaral ng mga bata. Pinamunuan naman ng Integrated Institute of Electrical Engineers (IIEE) ang pag-iinspeksyon at pagkukumpuni sa mga sirang wiring ng mga silid-aralan, alinsunod sa layunin at pamantayan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Imus City. Ang gusali at silid-aralan ay naisaayos alinsunod sa Model Classrrom sa pamantayn ng Kagawaran ng Edukasyon na maluwag, walang nakaharang na mga cabinet at ang lumang visual aids ay pinalitan. Kabilang din dito ang bagong tayong gusali sa paaralan na kayang sumagupa sa lindol na sinuguro ng pamunuaan ng Kagawaran ng Edukasyon ng Siyudad ng Imus. Sa kabuoan, maitutuing na mahirap ngunit matagumpay na gawain pang Brigada Eskwela ang naipamalas ng mga guro, mga partners ng paaralan at iba pang mga nakabahagi nito sa naturang programa. Nakatanggap din ang paaralan ng donasyon na salapi at mga kagamitan mula sa mga Pribadong Indibidwal, Alumni at iba pang mga partner ng paaralan, na nagbigay daan para sa mabilis at maayos na implementasyon ng mga gawain ng Brigada Eskwela. “Taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat na tumugon sa aming paanyaya at tumulong upang maisakatuparan ang layunin ng Brigada Eskwela na maihanda an gating paaralan sa pagbubukas ng klase.” Pahayag nu Gng. Cristina G. Lagasca, Punong Guro ng Paaralan. |
|