News & Updates(2021)Unang panalo sa regional search for brigada eskwela best implenter itinala ng paaralan
Hinirang na pang-limang pinakamahusay na paraalan ang Bayan Luma I Elementary School sa buong Rehiyon ng 4-A CALABARZON ng Best Brigada Eskwela Emplemnter 2018-2019. Ibinilang na isa sa pinakamahusay ang paaralan matapos na maungusan ang iba pang mga paaralan sa buong rehiyon sa categorya ng Large School. Ito ang unang pagkakataon ng paaralan na manalo sa pangatlong sabak sa pangrehiyong lebel ng search for brigada eskwela best implementer. Matapos na makopo ng tatlong sunod ang panalo sa division level ng Lungsod ng Imus ay umusad and paaralan sa pangrehiyong kompetisyon at nakamit ang mithiin nitong mapabilang sa limang pinakamahuhusay. Ayon kay Gng. Cristina Lagasca, Punonguro ng paaralan, malaki ang naiambag ng mga volunteers at stakeholders sa Brigada Eskwela na unang inilulunsad tuwing buwan ng mayo bago magsimula ang bagong taong panuurian. Ibinida ng paaralan ang mahigit kumulang 2 milyong halaga ng donasyon ang natanggap ng paaralan, na siya namang nagbigay daan para makamit nito ang panalo. Sa kasalukuyan, patuloy ang paghahanda ng paaralan sa susunod na brigada eskwela na muling aarangkada sa buwan ng mayo. Target nito na malampasan ang nakaraang nakamit nito at maiukit ang unang panalo sa nationanl na lebel ng kumpetisyon. |
Reading corners Inilatag sa bawat gusali bilang ng non-readers inaasahang bumaba
Bayan Luma I ES, Imus City--Pinalawig ng paaralan ang programa sa pagbasa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga reading corner sa bawat baitang na layong tugunan ang mga batang may problema sa pagbabasa.
Ilang ang hindi nakakabasa sa paaralan na binigyang diin sa paglalatag ng reading corner sa bawat gusali. Pinamunuan ng mga guro mula sa English at Filipino department ang paglalagay ng mga mini libraries na target na maabot ang layunin ng paaralan na maihanay sa readers ang lahat ng mag-aaral ng paaralan. “We just want to make it happen, we want to help this kids na makapagbasa kaya we put up this reading corners kasi malaki ang magiging factor nun sa mga buhay nila at pagkatuto nila”. Pahayag ni Angeline Camama, English subject coordinator. May mga aklat at mga magazine ang reading corners na pawang sa agham, English, Filipino at heograpiya ang nilalaman ang makikita at magagamit ng mga bata sa kanilang pagbabasa. Naglaan naman ng oras ang bawat klase sa pagamit sa mga naturang reading corners at inaalalayan ng mga guro sa libre nilang mga oras ang mga bata sa kanilang pagbabasa. Lumalagpas naman ang ilang mga guro sa mga nakatakdang oras ng pamamalagi nila sa paaralan upang maturuan ang kanilang mga mag-aaral sa pagbasa. |