Junior medics sumailalim sa pagsasanay CPR, first aid kabilang sa itinuro ng CDRRMO
Bilang paghahanda sa mga kalamidad, pinalawig ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang pagbabahagi ng kaalamang pangkaligtasan sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga bata bilang junior medic o first aid provider ng bawat pampublikong paaralan.
insinang pagsasanay bilang isang first aid provider ang mga piling mag-aaral kabilang ang Bayan Luma I Elementary School. Sumalang ang mga bata sa pagsasanay sa pagbibigay ng pang-unang lunas sa mga sugat, paglalagay ng benda kapag may bali at pagbibigay ng Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR). “Dapat na turuan ang mga bata ng first aid kasi di natin kung kelan magkakaroon ng sakuna kaya sa bawat paaralan binaba natin etong training nato para may responder na ang bawat paaralan na equipped at kaya ng magbigay ng pang-unang lunas.” Pahayag ni Engr. Severo Salva, head ng CDRRMO-Imus City. Ang junior medics team ay isang local na organisasyon sa loob ng isang paaralan na layong makapgbigay ng pang-unang lunas at unang sasaklolo tuwing mayroong sakuna na nangyari sa loob ng paaralan. Binubuo ng sampung mga mag-aarl mula sa ika-lima at ika-anim na baitang ang isang junior medics team na sumailalin sa pagsasanay at sertipikasyon ng CDRRMO. Unang sumasaklolo ang junior medics team sa bawat sakuna sa guidance at pangunguna ng gurong tagapayo nito sa School Disaster Risk Reduction Management. Tanging ang pagbibigay ng pang-unang lunas kagaya ng paglilinis ng mga sugat ang maaaring ibahagi lang ng isang kasapi ng junior medics, kabilang din ang pagbebenda at pagbuhat sa mga pasyenteng napilayan o may bali. |